• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2004-04-05 14:35:41    
Mga tuklas na arkeolohikal sa Kuahuqiao ng Tsina(Unang Bahagi)

CRI
Dati,rati,kaunti lamang daw ang nakakaalam sa ngayong Xianghu na matatagpuan sa karatig ng Hangzhou,kabisera ng lalawigang Zhejiang ng Silangang Tsina.

Pero,mukhang napatunayan ng mga tuklas na arkeolohikal na nahukay nitong huling bahagi ng nakaraang buwan na ito ang kinaroroonan ng prehistoric culture ng lalawigan.

Sa naturang nayon ay may isang tulay na pinangalanang Kuahuqiao(Overlake Bridge) na matagal nang nauulanan at naaarawan at matagal na ring kasingkahulugan ng nayon.Kahit ngayon,mas gusto pa itong tawagin ng mga taumbayaw sa lokalidad ng nayon ng Kuahuqiao.Bunga nito'y ang prehistoric culture site ay tinawag na Kuahuqiao Ruins.

Noong pagtatapos ng Hulyo,maraming mahahalagang rehikyang kinabibilangan ng pottery fragments,woodenware at mga labi ng hayop ang nahukay sa lugar na ito.

Ipinagbubunyi ng mga arkeologo at iskolar ang Kuahuqiao Ruins bilang isa sa mga pinakaimportenteng tuklas na arkeolohikal ng lalawigang Zhejiang.Ang naturang lugar ay napahunay sa puwesto kasunod lamang ng Hemudu Ruins na nagmula pa noong nakaraang 7000 taon.Ang Hemudu Ruins ay nahukay sa Yuyao.

Maaring lumabas na ang basurang ito ay isa sa mga pinakamahalagang yamang pangkasaysayan at pangkultura ng ating panahon.

Maraming sako ng pottery fragments,buto ng hayop,woodenwares,mga buto ng halaman at kasangkapang yari sa buto ang nahukay mula sa site.Salamat sa makapal na suson ng putik,nasa mabuting kondisyon ang karamihan sa mga nahukay na buto ng hayop.

Ang mga naninirahan sa Kuahuqiao Ruins ay mga dakilang craftsmen.

Nahukay sa lugar ang maraming barayti ng makukulay na pottery na kinabibilangan ng palayok,tapayan,mangkok,tasang may hawakan at rice steamer,Hanga ang mga arkeologo sa maselang pagkakagawa ay katangi-tanging pangdekorasyon na disenyo ng mga nahukay na bagay.

Isang winnowing fan na yari sa manipis na piraso ng kawayan ang natuklasan noong malapit na matapos ang paghuhukay.Nagtataka ang mga arkeologo nang matuklasan nilang walang ipinag-iba ang dibuho ng paghahabi nito sa mga pamaypay na ginagamit ngayon sa ilang kanayunan ng Tsina.Bagama't mga 8000 taon na ang nakararaan ay nagagamit pa rin natin ang teknik na dinibelop ng ating ninuno.

Ang mga mamamayan ng Neolithic Age ay may kasanayan sa paggawa ng mga karay na kasingpino ng 2 milimetrong diametro bago pa man maging available ang metal.Napatunayan ito ng magagandang karayom na yari sa buto ng mga hayop na natuklasan sa lugar na ito.

Ang mga naninirahan dito ay mga bihasang mangangaso rin at marahil ay nauna sa pagpapaamo ng mga hayop.

Naging isang bowtow ang mga labi ng hayop na nahukay sa lugar.Tinatayang nauukol ang mga ito sa mahigit na 60 klse ng hayop na kinabibilangan ng buffalo,usa,pagong at maging elepante.

"Tiyak na sila'y naging mga bihasang mangangaso o nauna sa pagpapaamo ng hayop."Ayon kay Jiang.

Nalito ang mga arkeologo nang matuklasan nilang itinapon lamang ng mga naninirahan ang mamahaling sungay ng usa at bahay ng pagong.Sa kabilang dako naman nakakalat lamang sa lugar ang barayti ng mga kasangkapang gawa sa mga buto na kinabibilangan ng arrowheads,espada,shuttles,balibol at karayom.

Ang Kuahuqiao Ruins ay isang nagsasariling prehistoric culture.

Ang estilo at dekorasyon ng makukulay na pottery na natuklasan sa ruins ay bahagyang-bahagya lamang ang pagkakahawig sa mga pottery na nahukay sa Hemudu Ruins at iba pang prehistoric cultural site sa lalawigan.