• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-04-22 21:33:33    
Mga tradisyonal na kasuotan ng Tsina: Ang magandang alamat hinggil sa Cheongsam

CRI
Ang Cheongsam ay isang eleganteng uri ng kasuotang Tsino. Ang masikip na kasuotang ito na may mataas na leeg at "slit" sa magkabilang tagiliran, ay nanggaling sa Manchu Nationality ng Tsina. May isang magandang alamat ang mga Manchu tungkol sa cheongsam.

Ayon sa alamat na ito, noong araw ay may isang batang mangingisdang babae na nakatira sa tabi ng Jingbo Lake. Maganda na, at matalino pa ang batang ito. Pero sa kanyang pangingisda, madalas ay nagiging sagabal sa kanya ang kanyang mahaba at maluwag na damit. Kaya, nagkaroon siya ng isang idea: Bakit hindi gumawa ng isang mas praktikal na damit para sa pagtatrabaho? Nagsimula siyang tumahi at nagprodyus ng isang mahabang baro na may "multi-looped-button" at "slit" sa magkabilang tagiliran. Sa gayon, naipaloob niya ang harapan ng kanyang damit para mapadali ang kilos niya. Bilang isang mangingisda, ni minsan ay hindi niya pinangarap na may dumating na magandang kapalaran sa kanya.

Ang batang emperador na namumuno sa Tsina noong panahong iyon ay nagkaroon ng isang panaginip isang gabi. Sa panaginip na ito,sinabi sa kanya ng kanyang yumaong ama na ang magiging reyna niya ay isang marikit na mangingisdang babae na nakasuot ng cheongsam sa tabi ng Jingbo Lake. Pagkagising niya sa kanyang mahimbing na tulog,nagpadala ang emperador ng tauhan upang hanapin ang babaeng iyon. Siyempre, nandoon siya! Sabi nga: "to make the long story short", naging reyna siya at ang cheongsam ay dala rin niya sa court. Ginaya siya ng lahat ng babaeng Manchu at hindi nagtagal, naging popular ang cheongsam. Hindi lang namin matiyak sa inyo kung ang istoryang ito ay tunay o hindi. Pero walang dudang nanggaling ang cheongsam sa mga Manchu na ang pinagmulan ay ang sinaunang tribu ng Nuzhen. Noong unang dako ng ika-17 siglom, pinag-isa ni Nurhachi, isang dakilang military at political strategist ang iba't ibang tribu ng Nuzhen at itinatag niya ang Eight Banners System. Unti-unti, nadebelop ang isang klase ng hugis-tubong gown na walang kuwelyo na isinuot ng kapwa lalaki at babae. Ito ay ang embryo ng cheongsam. Tinatawag din ang cheongsam na Qipao sa wikang Tsino o "banner gown" kung isasalin, sa dahilang nanggaling ito sa mga taong namuhay sa ilalim ng Banner system.

Nauso ang cheongsam sa mga babaeng mula sa "royal family" ng Qing Dynasty. Noong panahong iyon, maluwag ang cheongsam at napakahaba kaya natatakpan ang mga paa. Karaniwang yari ito sa seda at nabuburdahan ang buong katawan ng kasuotan, at ang kuwelyo, manggas at laylayan naman ay madalas tinatahian ng malapad na lace.

Noong 1920s,naging popular ang cheongsam sa buong Tsina. Bunga ng impluwensiya ng kanluraning istilo ng kasuotan, nakaranas ng pagbabago ang cheongsam. Naging mas makipot ang "cuff" at kadalasan ay manipis. Ang haba nito ay binawasandin. Hinayaan ng bagong adaptation na ito na malantad nang lubos ang kagandahan ng katawan ng babae.

Noong 1930s, patuloy na nauso ang cheongsam sa mga babae sa buong Tsina. Maraming istilo noong panahong iyon. Ang iba ay maigsi, ang iba ay mahaba, na may mataas, mababa o kung minsan walang kakuwelyo-kuwelyo.

Simula noong 1940s, ang cheongsam ay naging mas masikip at praktikal. Pagdating ng tag-init, nagsusuot ang mga babae ng mga cheongsam na walang manggas. At kung tagsibol o tagalagas, ang cheongsam na may makipot na manggas naman. Noong panahong iyon, bihira ang cheongsam na may dekorasyon.

Sa kasalukuyan, sa maraming iba't ibang istilo, ipinakikita ng cheongsam ang pagiging kaakit-akit nito sa maraming pamilihan. Kinalulugdan ng parami nang paraming babae sa Tsina ang kagandahan nito. Halimbawa, kapag lumalahok ang mga asawa ng mga diplomata ng Tsina sa mahahalagang social gatherings, ang cheongsam ay ang unang pili nilang kasuotan. Sa katotohanan, inimungkahi na rin ng maraming taong maimpluwensya na gawing pambansang kasuotan ang cheongsam para sa mga babaeng Tsino, bagay na nagpapakitang ang cheongsam ay nananatili pa ring isang buhay-na-buhay na bahagi ng kulturang Tsino.