• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2012-08-17 11:52:00    
Ang hari ng Jordan: Makaaapekto ang problema ng Syria sa rehiyong Middle East

CRI

Nagtagpo ang hari ng Jordan, si Abdullah II Bin Hussein sa Amman kahapon kay Ministrong Panlabas ng Pransiya, si Laurent Fabius na nagbibisita sa Jordan. Pinapapag-ingat ni Haring Abdullah si Fabius na makaaapekto ang problema ng Syria sa kaligtasan at katatagan ng buong rehiyong Middle East.

Ayon sa ulat na ipinahayag ng Palasyo ng Jordan, inulit ni Haring Abdullah kay Fabius na nais ng Jordan na malutas ang problema ng Syria sa pinakamabilis na paraang pulitikal. Nanawagan din ang Jordan na dapat alagaan ang pagkakaisa ng bansang Syria at patigilin ang mga madugong at marahas gawain.

Nanawagan si Haring Abdullah na dapat gampanan ng komunidad pangdaigdig ang mga tungkulin upang malutas ang problema ng Syria at alagaan ang mga mamamayan nito. Aniya, dahil sa pagsama ng sitwasyon ng Syria, maraming biktimang lumilikas sa teritoryo ng Jordan. Kahit idinagdag na ang pasanin sa Jordan, nag-aalay ang Jordan ng makataong tulong sa mga refugees mula sa Syria.

Salin: Chen Jingyang