Ipipinid mamayang gabi ang 2008 Beijing Paralympic Games. Ayon sa opisyal na estadistika, lumikha ang Paralimpikong ito ng mga bagong rekord sa bilang ng mga kalahok na bansa at rehiyon, bilang ng nasirang rekord ng paligsahan, saklaw ng pagkober ng medya, attendance rate at iba pa.
Sa isang news briefing na idinaos ngayong umaga, sinabi ni Philip Craven, Pangulo ng International Paralympic Committee, na napakaganda at napakatagumpay ng Paralimpikong ito. Isinalaysay din niyang lumahok sa Paralimpikong ito ang delegasyon ng 147 bansa at rehiyon at umabot sa 1.1 milyong person-time ang bilang ng mga taong nanood ng mga paligsahan sa venues.
Salin: Andrea
|