• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-09-17 21:30:01    
Beijing Paralympics, ipininid

CRI

Matagumpay na ipininid ngayong gabi ang 2008 Beijing Paralympic Games. Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid, sinabi ni Philip Craven, pangulo ng International Paralympic Committee, na ang kasalukuyang Paralimpiko ay pinakamahusay sa kasaysayan at nanawagan siya sa lahat ng mga manlalaro, tagasanay at opisyal na ikalat ang katangi-tanging diwang pampalakasan ng kasalukuyang Paralimpiko sa buong daigdig.

Dumalo sa seremonya ng pagpipinid si pangulong Hu Jintao ng Tsina at ang mga panauhin galing sa halos 20 bansa.

Ayon sa opisyal na estadistika, lumikha ang Paralimpikong ito ng mga bagong rekord sa bilang ng mga kalahok na bansa at rehiyon, bilang ng nasirang rekord ng paligsahan, saklaw ng pagkober ng medya, attendance rate at iba pa.

Sa kapwa listahan ng medalyang ginto at mga medalya, ang Tsina, Britanya at E.U. ay nasa una, ika-2 at ika-3 puwesto.

Sa seremonya ng pagpipinid, iniabot ng Beijing ang watawat ng IPC sa Londo, punong-abala ng 2012 Paralympic Games.

Salin: Liu Kai