Magkakasunod na pinag-ukulan kahapon ng mga medyang dayuhan ng pansin ang seremonya ng pagpipinid ng Beijing Paralympics at ipinalalagay nilang napakaganda ng mga palabas sa seremonyang ito at kasiya-siyang natapos ang Beijing Paralympics.
Sinabi ng dalawang tagapagkoment ng National Broadcasting Corporation (NBC) ng Estados Unidos, na pagkaraang idaos ang matagumpay na Olimpiyada, tumangkilik ang Tsina ng pinakamagandang na Paralimpiko sa kasaysayan.
Nang araw ring iyon, sinabi ng Japanese Kyodo News Service na makulay ang palabas ng naturang seremonya.
Nang magkoment ng seremonya ng pagpipinid ng Beijing Paralympics, sinabi ng Agence France-Presse na ang napakalaking pagsisikap ng panig Tsino ay nagpapakita ng kaparehong pagpapahalaga nito sa Olimpiyada at Paralimpiko.
Napapanahong nagkober naman ang medya ng Singapore ng pagpipinid ng Beijing Paralympics. Anang ulat ng Channel News Asia na naisakatuparan ng pamahalaang Tsino ang pangako nitong parehong kahanga-hanga ng Beijing Olympics ang Beijing Paralympics
Salin: Vera
|