• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-02-24 16:18:57    
Dalubhasang Tsino: Iminungkahing patuloy na humingi ng relikyang pangkultura sa paraang diplomatiko

CRI

Nang kapanayamin dito sa Beijing ngayong araw ng mamamahayag ng China Radio International, ipinahayag ni Ginang Wang Yunxia, propesor sa batas ng Renmin University ng Tsina at dalubhasa sa pananaliksik sa batas sa relikya at pamanang pangkultura, na sa kasalukuyang kalagayang may hadlang ang sakdal na pambatas, dapat patuloy na humingi ang kinauukulang departamento ng dalawang bronze rabbit and rat head sculptures na dinambong mula sa Tsina sa paraang diplomatiko.

Tinanggihan kahapon, local time, ng isang hukuman sa Paris, Pransya ang apelasyon na iniharap ng Association for the Protection of Chinese Art in Europe hinggil sa pagpapahinto ng subasta ng nabanggit na mga relikyang pangkultura na dinambong mula sa Tsina. Ang dahilan nito'y ang plaintiff nito ay hindi kumakatawan sa kapakanan ng Tsina at mga mamamayan nito. Idaraos bukas ng Christie's Company ang subasta ayon sa itinakdang iskedyul.

Salin: Vera