• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-10 17:31:45    
Unang internet dialogue ng Serbisyo Biyetnames ng CRI at Voice of Vietnam, matagumpay

CRI

Matagumpay na natapos kahapon ng hapon ang live internet dialogue ng Serbisyo Biyetnames ng CRI at Voice of Vietnam. Ito ang unang transnasyonal na diyalogo sa internet na magkasamang isinagawa ng nasabing 2 radyo estasyon.

Sa diyalogo, magkahiwalay na nag-anyaya ang mga host kina Zhang Jiaxiang, dating puno ng tanggapan ng Xinhua News Agency sa Hanoi at Le Duc Thinh, dalubhasa ng Sentro ng Patakaran at Estratehiya hinggil sa Kanayunan at Agrikultura ng Biyetnam para magpalitan ng kuru-kuro sa intenet hinggil sa isyu ng kanayunan, agrikultura at magsasaka na magkasamang kinakaharap ng 2 bansa.

Ang Tsina't Biyetnam ay kapuwang malaking bansang agrikultural. Noong isang taon, magkasunod na iniharap ng 2 partido ng Tsina at Biyetnam na dapat pasulungin ang reporma sa kanayunan at malalim na nagtalakay at nagpalitan hinggil sa nasabing isyu. Sa diyalogong ito, nagpalitan ang 2 dalubhasa ng Tsina at Biyetnam hinggil sa estratehikong kapasiyahan ng 2 bansa, working report ni premiyer Wen Jiabao, kaunlaran ng kanayunan, paghanap-buhay ng magsasaka, pagtutulungan ng 2 bansa at iba pang isyung kapwa nila pinahahalagahan.

Salin:Jason