• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-19 08:59:04    
Taon ng Pagkakaibigan ng Tsina at Hilagang Korea, binuksan

CRI

Idinaos kahapon sa National Centre for the Performing Arts o NCPA sa Beijing ang pasinaya ng Taon ng Pagkakaibigan ng Tsina at Hilagang Korea. Magkasamang dumalo sa pasinayang ito at bumigkas ng talumpati si Premyer Wen Jiabao ng Tsina at ang kanyang counterpart sa Hilagang Korea na si Kim Young-il.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Wen na sapul nang itatag ang relasyong diplomatikong ng Tsina't Hilagang Korea 60 taon na ang nakaraan, lumalalim nang lumalalim ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan, at mabisang nagpapasulong ito ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng dalawang bansa at nagbibigay rin ito ng positibong ambag sa pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng Korean Peninsula at rehiyon ng hilagang-silangang Asya.

Sa kanyang talumpati naman, sinabi ni Kim na ang pagpapasulong ng walang humpay na pag-unlad ng trandisyonal na pagkakaibigan ng Tsina't Hilagang Korea ay di-nagbabagong paninindigan ng partido at pamahalaa ng kanyang bansa.

Salin: Ernest