Napag-alaman ngayong araw ng mamamahayag mula sa State Administration for Industry and Commerce ng Tsina
na noong 2008, inimbestigahan at hinawakan ng nasabing administrasyon at mga sangay nito ang mahigit 11 libong kasong may kinalaman sa dayuhang trademark na lumaki ng halos 8% kumapara sa taong 2007. Sa gayon, napapahigpit ang pangangalaga sa dayuhang trademark at ibayong napoprotektahan ang interes ng may-ari ng mga dayuhang trademark.
Salin: Ernest
|