• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-03-27 09:10:10    
Lider na Tsino at PM ng Myanmar, nag-usap

CRI
Nag-usap kahapon ng hapon sa Nay Pyi Taw, Myanmar, sina Li Changchun, dumadalaw na pirmihang kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, at Punong Ministro Thein Sein ng Myanmar.

Sinabi ni Li na malaki ang pagkokomplement na pangkabuhayan ng Tsina't Asean at nitong ilang taong nakalipas, mabunga ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa enerhiya, hydropower, imprastruktura at iba pa. Umaasa aniya siyang lalagumin ng dalawang bansa ang kanilang matagumpay na karanasan para ibayo pang mapasulong ang komong pag-unlad.

Ipinahayag naman ng punong ministro ng Myanmar ang kahandaan ng kanyang bansa na magsasagawa ito ng mga positibong hakbangin at seryosohang magpapatupad ng mga narating na kooperatibong kasunduan nila ng Tsina para mapasulong ang kanilang pragmatikong pagtutulungan sa iba't ibang larangan.