Ipinahayag ni Sheng Jianxue, isang opisyal ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, na kakalapin ng kanyang bansa ang mas maraming degree students na mag-aaral sa Tsina at babawasan ang mga non-degree students o mga dayuhang estudyenteng mag-aaral ng wikang Tsino.
Napag-alamang nagpalabas na ang naturang ministri ng regulasyon para maigarantiya ang kalidad ng mga estudyanteng dayuhan na mag-aaral sa Tsina.
Noong isang taon, umabot sa 220 libo ang bilang ng mga estudyanteng dayuhan na nag-aaral sa Tsina na lumaki ng 180 ulit kumpara sa noong 1978.
Salin: Wu Jing
|