• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-08 15:37:17    
Pagpapanatili ng pag-unlad ng kooperasyong Sino-Pransese, angkop sa kapakanan ng 2 bansa

CRI

Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Chen Zhili, pangalawang tagapangulo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na ang pagpapanatili ng sustenableng pag-unlad ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina't Pransya ay angkop sa kapakanan ng kanilang mga bahay-kalakal at mamamayan.

Binuksan nang araw ring iyon sa Beijing ang ika-15 simposyum hinggil sa kabuhayang Tsino't Pranses na may paksang "hamon at pagkakataon, sinimulan ang bagong kooperasyong Sino-Pransese". Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Ginang Chen na napakahalaga ng pagsasaisang-tabi ng lahat ng mga hadlang at pangangalaga sa mainam na relasyon at pagtitiwalaang pulitikal para sa pagpapasulong sa pragmatikong kooperasyon ng kapuwa panig sa iba't ibang larangan, umaasa anya siyang magkasamang magsisikap ang mga personahe ng sirkulo ng bahay-kalakal at sirkulong pangkabuhaya't pangkalakalan ng 2 bansa upang makalikha ng paborableng kondisyon sa malusog na pag-unlad ng bilateral na relasyon at maghatid ng benepisyo sa 2 bansa at mga mamamayan nila.

Sa kanya namang talumpati, sinabi ni dating punong ministro Jean Pierre Raffarin ng Pransya na malawak ang prospek ng kooperasyong Sino-Pransese, dapat gawing pagkakataon ng mga sirkulo ng bahay-kalakal ng 2 bansa ang pagbuti ng bilateral na relasyon, ibayo pang palakasin ang pamumuhunan at kooperasyon, pasulungin ang pagkabalanse ng kalakalan at ipagkaloob ang garantiya para sa kooperasyon ng mga bahay-kalakal sa mga aspekto ng teknik, batas at pinansya.

Salin: Vera