• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-10 14:56:56    
ASEAN, magiging ika-3 pinakamalaking trade partner ng Tsina

CRI
Sinabi kahapon sa Qinzhou ng Guangxi ni Gao Hucheng, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na walang tigil na natatamo ng Tsina't ASEAN ang progreso sa kanilang relasyon at batay sa tunguhin sa kasalukuyan, malaki ang posibilidad na ASEAN ay magiging ika-3 pinakamalaking trade partner ng Tsina sa hinaharap.

Sa pulong ng paghahanda para sa ika-6 na China-ASEAN Expo, sinabi ni Gao na ang ASEAN ay isang mahalagang rehiyon kung saan isinasagawa ng Tsina ang dipersipikadong estratehiyang pampamilihan. Anya, sa kabilang ng epekto ng pandaigdig na krisis na pinansyal, patuloy na mabilis na lumaki ang bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN noong isang taon at lumampas sa 230 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan na lumaki ng 13.9% kumpara sa noong 2007. Ipinalalagay niyang sa aspektong ito, gumanap ng mahalagang papel ang naturang ekspo.

salin:wle