• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-11 15:56:46    
Li Keqiang: magkaloob ng saligang medicare sa lahat ng mga mamamayan

CRI
Binigyang-diin kahapon ni Li Keqiang, pangalawang premyer ng Tsina na namamahala sa reporma sa sistema ng medicare ng bansa, na dapat totohanan at mabisang magkaloob ng saligang medicare sa lahat ng mga mamamayan.

Sinabi ni Li na ang pagpapasulong ng reporma sa sistema ng medicare ay mahalaga para maigarantiya at mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan at mapasulong ang harmonya ng lipunan at ito rin ang mahalagang hakbangin ng pagpapalawak ng pangangailangang panloob at pagpapanatili ng matatag at may-kabilisang paglaki ng kabuhayan. Anya, dapat buong sikap na itatag ang sistema ng saligang medicare na sumasaklaw sa lahat ng mga lunsod at nayon ng bansa.

Tinukoy din ni Li na sa darating na 3 taon, dapat buong sikap na pasulungin ang 5 aspekto ng reporma, alalaon baga'y pabilisin ang pagtatag ng sistema ng saligang medicare, inisyal na itatag ang sistema ng saligang medisina, kompletuhin ang sistema ng medicare sa community level, pasulungin ang pagkakapantay-pantay ng medicare at pasulungin ang reporma sa mga ospital na ari ng esado.

Salin: Liu Kai