• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-11 18:17:18    
Wen Jiabao at Lee Myung-bak, nagtagpo

CRI
Nagtagpo ngayong araw sa Pattaya, Thailand, sina premyer Wen Jiabao ng Tsina at pangulong Lee Myung-bak ng Timog Korea.

Sinabi ni Wen na dapat palakasin ng Tsina at T.Korea ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan para walang humpay na pasulungin ang kanilang estratehiko at kooperatibong partnership at magkasamang harapin ang pandaigdigang krisis na pinansyal. Iminungkahi rin niyang panatilihin ng dalawang bansa ang paglaki ng bilateral na kalakalan at palakasin ang kooperasyong pinansyal.

Ipinahayag naman ni Lee na lubos na pinapurihan ng T.Korea ang mga mabisang hakbangin ng Tsina bilang tugon sa krisis na pinansyal at ipinalalagay na ang sustenableng pag-unald ng kabuhayan ng Tsina ay mahalaga para sa T.Korea at buong daigdig. Nakahanda anya ang T.Korea na palakasin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan nila ng Tsina at panatilihin ang pakikipagkoordina sa Tsina hinggil sa reporma ng pandaigdigang sistemang pinansyal para magkasamang harapin ang krisis na pinansyal.

Salin:Sarah