• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-11 18:18:56    
Ika-2 eksibisyon ng paninda ng mga bansang Timog Asyano, idaraos

CRI
Ipinatalastas kahapon sa Beijing ng Ministri ng Komersyo at pamahalaan ng Lalawigang Yunnan ng Tsina na idaraos mula ika-6 hanggang ika-10 ng Hunyo sa Kunming, punong lunsod ng lalawigang ito ang ikalawang eksibisyon ng paninda ng mga bansang Timog Asyano sa ilalim ng pagtataguyod ng naturang dalawang panig kasama ng India. Pakistan, Afghanistan at iba pang bansa.

Ayon kay Gu Zhaoxi, pangalawang gobernador ng Yunnan na magkakaroon ng 350 exhibition booth ang eksibisyong ito na naglalayong magpakita ng bentahe ng yaman at katangian ng industriya ng mga bansa sa Timog Asya.

Sinabi naman ni Chen Jian, pangalawang ministro ng komersyo ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at mga bansa sa Timog Asya. Anya, ang pagdaraos ng naturang eksibisyon ay makakabuti sa patuloy na pagpapalawak ng Tsina ng pag-aangkat mula sa mga bansang Timog Asyano at pagtatalakay ng mga bansa hinggil sa pagpapalawak ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.

Salin:Sarah