Napag-alaman kamakailan ng mamamahayag mula sa People's Bank of China na sa regular ng pulong noong unang kuwarter, iniharap ng lupon ng patakaran ng currency ng sentral na bangko na dapat panatihilin ang tuluy-tuloy at katatagan ng maluwag na patakarang monetary.
Ipinalalagay ng pulong na para harapin ang grabeng epekto ng pandaigdigang krisis na pinansiyal, isinagawa ng Tsina ang isang sereye ng hakbangin para palawakin ang pangangailangang panloob at pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan, at natamo ang inisiyal na bunga.
Salin:Sarah
|