• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-14 11:41:23    
Palagay ng mga ekonomista sa pagbangon o hindi ng kabuhayang Tsino, ibang iba

CRI
Bumubuti kamakailan ang ilang indeks na pangkabuhayan ng Tsina. Ngunit ibang iba ang palagay ng mga ekonomista ng Tsina sa pagbangon o hindi ng kabuhayang Tsino.

Ipinalalagay ni Tan Yaling, eksperto ng Instituto ng Tsina sa Pandaigdig na Kabuhayan at Relasyon, na salamat sa plano ng pamahalaang Tsino sa pagpapasigla ng kabuhayan, lumitaw ang positibong tunguhin sa larangan ng industriya ng Tsina at higit sa lahat, napapanumbalik ang kompiyansa ng pamilihan. Ipinakikita anya ng mga ito ang pagbangon ng kabuhayang Tsino.

Iba ang palagay ni Yuan Gangming, ekonomista ng Tsinghua University ng Tsina. Ipinalalagay niyang bagama't bumubuti ang ilang indeks, muling bumaba naman ang iba pang larangan na gaya ng industriya ng consumer electronics, kaya hindi pa natitiyak ang pagbangon ng kabuhayang Tsino.

Pero, kapwa ipinalalagay ng naturang dalawang eksperto na lumilitaw ang epekto ng isinasagawang proaktibong patakarang pinansyal at angkop na maluwag na patakarang pansalapi ng Tsina sa pagpapasulong ng kabuhayan, ngunit hindi dapat maging labis na optimistiko sa kalagayang pangkabuhayan ng Tsina.

Salin: Liu Kai