Idaraos mula bukas hanggang ika-7 ng susunod na buwan sa Guangzhou sa dakong timog ng Tsina ang ika-105 China Import and Export Fair. Bilang mahalagang plataporama ng kalakalang pandaigdig at pangunahing tsanel ng pagluluwas at kalakalang panlabas ng Tsina, mananatiling matatag ang saklaw ng peryang ito.
Sa news briefing ngayong araw sa Guangzhou, ipinahayag ni Mu Xinhai, tagapagsalita ng peryang ito, na mahigit 22.1 libong bahay-kalakal sa loob at labas na bansa ay lalahok sa peryang ito at kasabay nito, mananatiling matatag ang saklaw ng peryang ito na may halos 5.6 libong exhibition booth na lumaki ng mahigit 200 kumpara sa nagdaang perya.
Salin: Ernest
|