Ayon sa estadistika ng Ministri ng Kalusugan ng HK at Macow, hanggang kahapon, ang kumpirmadong kaso ng H1N1 sa HK at Macow ay magkahiwalay na umabot sa 6640 at 339.
Ipinahayag ng administrasyon ng ospital ng HK na hanggang alas-14:30 kahapon, natuklasan sa HK ang 224 bagong kumpirmadong kaso ng H1N1 sa loob ng 24 na oras. Sa kasalukuyan, sa lahat ng kumpirmadong kaso, 47 maysakit ay nangagnailangang tanggapin ang paggamot sa ospital.
Ipinaalam ng kawanihan ng kalusugan ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao na mula kamakalawa hanggang kahapon, natuklasan sa Macao 6 bagong kumpirmadong kaso ng H1N1, sa kasalukuyan, 8 maysakit ay nasa ospital at mainam ang kalagayan nila.
Salin:Sarah
|