• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-08-17 16:41:27    
Mga bahay-kalakal ng bakal at asero ng Tsina at FMG ng Australya, nagkaisa ng palagay sa presyo ng iron ore

CRI
Ipinatalastas ngayong araw ng China Iron and Steel Association na narating ng mga bahay-kalakal ng bakal at asero ng Tsina at Fortescue Metals Group Ltd. o FMG, ikatlong pinakamalaking prodyuser ng iron ore ng Australya ang kontrata hinggil sa presyo ng iron ore. Ayon sa kontrata, ang mga presyo ng iron ore fines at iron ore lump ay magkahiwalay na bumaba ng mga 35% at 50% kumpara sa nagdaang taon at ang kontrata ay tatagal sa ika-31 ng Disyembre ng taong ito.

Ipinahayag ngayong araw ni Yao Jian, tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na ang naturang resulta ay lubos na nagpapakita ng mithiin ng dalawang panig at tinatanggap ito ng kanyang ministri.

Napag-alamang ayon sa regular na paraan ng talastasan, isasagawa pa ng panig Tsino ang pakikipagtalastasan sa iba pang kompanya ng iron ore na gaya ng Rio Tinto Group, Broken Hill Proprietary Billiton Ltd. at Company Vale do Rio Doce batay sa resulta ng talastasan sa FMG. Kaya, hindi natapos ang talastasan sa taong ito.

Salin:Sarah