Sa subastang "collection of Yves Saint Laurent and Pierre Berge"na idinaos kagabi, local time, sa Grand Palace of Paris, isinubasta ang mga dinambong na relikyang Tsino na Bronze rabbit at rat head sculptures sa halagang tig-14 milyong Euro. Hindi pa nakilala ang mangsusubasta.
Ang dalawang relikyang Tsino ay natagpuan noon sa Summer Resort Yuanmingyuan ng Qing Dynasty ng Tsina at dinambong ang mga ito ng Magkasanib na Hukbo ng Britanya at Pransya o Anglo-French Allied Forces noong panahon ng ikalawang Opium War noong 1860.
|