Mula ika-25 ng susunod na Abril hanggang ika-3 ng darating na Mayo, idaraos sa Bangkok, kabisera ng Thailand, ang kauna-unahang palaro ng Asia sa martial arts .
Ang paligsahang ito na itinataguyod ng Olympic Council of Asia o OCA ay lalahukan ng 1372 manlalaro na galing sa 41 bansang Asyano at ang 9 na pangunahing paligsahan ay kinabibilangan ng Muay Thai, Judo, Karate, Taekwondo, Wushu at Kungfu at iba pa.
Salin: Ernest
|