Nagbabala kahapon si Pascal Lamy, pangkalahatang direktor ng World Trade Organization o WTO, na dumarami kamakailan ang isinasagawang protectionist measures ng iba't ibang bansa, bagay na nagpapahina ng isinasagawang pagsisikap ng daigdig para sa muling pagpapalago ng kabuhayang pandaigdig.
Sa kanyang ulat sa mga miyembro ng WTO, binigyang-diin ni Lamy na sa kasalukuyang situwasyon, makatwiran ang isinasagawang hakbangin ng iba't ibang bansa para mapasigla ang kabuhayan, pero, dapat din isaalang-alang ng mga bansa ang posibleng idulot na epekto sa kalakalang pandaigdig ng nasabing mga hakbangin.
|