• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-06 17:52:34    
Mga bansang Arabe, nagbibigay-diin sa pagtutulungan para harapin ang krisis na pinansyal

CRI

Ipininid kahapon sa Sharm el-Sheikh ng Ehipto ang pulong hinggil sa epekto ng pandaigdigang krisis na pinansyal sa ilalim ng pagtataguyod ng Arab Administrative Development Organization. Binigyang-diin ng mga kalahok na dapat magkaisa ang mga bansang Arabe at magsagawa ng kinakailangang hakbangin para mapigil ang negatibong epektong dulot ng krisis na pinansyal sa kabuhayan ng mga bansang Arabe.

Ayon sa pahayag na ipinalabas sa pulong, dapat paunlarin ng mga bansang Arabe ang dibersipikadong kabuhayan para mapalakas ang kakayahan sa pagharap sa krisis, palakihin ang pamumuhunan sa substantial economy para madagdagan ang pagkakataon ng hanapbuhay at value added ng pambansang kabuhayan, palakasin ang pagbabahagi ng mga organong pinansyal ng iba't ibang bansa ng impormasyon sa pamamahala at pinansya, pahigpitin ang kooperasyon ng mga rehiyonal na organong pinansyal at sa gayo'y, ipagkakaloob ang kalutasan at mekanismo sa pagharap sa krisis na pinansyal.

Salin: Sissi