• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-07 11:35:10    
5 bansang kanluranin, lumagda sa kasunduan sa currency swap

CRI
Ipinatalastas kahapon ng Federal Reserve ng E.U., Bangko Sentral ng Europa, Bangko Sentral ng Britanya, Bangko Sentral ng Hapon at Bangko Sentral ng Switzerland ang isang kasunduan sa currency swap na nagkakahalaga ng halos 300 bilyong Dolyares para mapabuti ang kalagayan ng pautang sa pamilihang pinansyal.

Sa ipinalabas na magkasanib na pahayag, sinabi ng naturang limang bangko sentral na batay sa kasunduang ito, kung may pangangailangan, ipagkakaloob ng Europa, Britanya, Hapon at Switzerland sa E.U. ang mga pondo sa kani-kanilang salapi. Binigyang-diin din nilang patuloy na magsasagawa ng kinakailangang hakbangin ang mga bangko sentral ng mga bansang kanluranin para mapasulong ang katatagan ng pamilihang pinansyal ng buong daigdig.

Salin: Liu Kai