Kahapon, ika-7 ng Abril, ay Pandaigdig na Araw ng Kalusugan. Nang araw ring iyon, nanawagan ang World Health Organization o WHO, sa pamahalaan ng iba't ibang bansa na palakasin ang kakayahan ng mga organong medikal sa pagharap sa pangkagipitang pangyayari.
Ang tema ng kasalukuyang Pandaigdig na Araw ng Kalusugan ay "iligtas ang buhay at palakasin ang kakayahan ng mga ospital sa pagharap sa pangkagipitang pangyayari". Ito ay naglalayong manawagan sa iba't ibang bansa na subaybayan ang kaligtasan ng mga imprastrukturang medikal at palakasin ang kakahayan ng mga tauhang medikal sa ilalim ng pangkagipitang kalagayan.
Sa aktibidad bilang pagdiriwang sa okasyong ito na idinaos kahapon sa punong himpilan ng UN sa New York, nanawagan si pangkalahatang kalihim Ban Ki-moon ng UN sa iba't ibang bansa ng daigdig na pabutihin ang sistema ng pangunang lunas at palakasin ang kaligtasan ng mga ospital para ibayo pang palakasin ang kakayahan ng mga ospital sa pagharap sa pangkagipitang pangyayari.
Salin: Liu Kai
|