Hanggang ngayong tanghali, nawawala pa ang isang presidential chopper ng Pilipinas na lumipad kahapon ng hapon ng Baguio patungong Lalawigang Ifugao.
Napag-alamang lulan ng naturang helicopter ang di-kukulangin sa 7 tao at sa kanila, 5 ang mga opisyal ng pamahalaan at militar ng Pilipinas na kinabibilangan ng dalawang pangalawang kaliham pampahayagan. Sa kasalukuyan, ang gawain ng paghahanap ay isinasagawa, pangunahin na, sa paligid ng Tinoc ng Ifugao.
Ayon sa panig militar ng Pilipinas, posibleng ang masamang panahon ang naging dahilan ng pagkawala ng helicopter na ito at sa kasalukuyan, hindi pa nakukumpirmang bumagsak o nagsagawa ng emergency landing sa isang lugar ang chopper.
Salin: Liu Kai
|