• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-10 18:40:54    
Mga bansang ASEAN, nagkaisa ng palagay hinggil sa paglaan ng pondo sa foreign exchange reserve

CRI
Sinabi kahapon ni Korn Chatikavanij, ministrong pinansyal ng Thailand, na nagkaisa na ng palagay ang sampung bansang ASEAN hinggil sa kani-kanilang pondo na ipagkakaloob para sa pagtatatag ng rehiyonal na reserba ng palitang panlabas.

Ipinahayag sa medya ni Korn na ang naturang komong palagay ay narating sa ika-13 pulong ng mga ministrong pinansyal ng ASEAN na idinaos nang araw ring iyon sa Pattaya, Thailand. Ayon sa kanya, magkakaloob ang Thailand, Malaysia, Singapore, Indonesya at Pilipinas ng mga 4.7 bilyong Dolyares bawat isa na katumbas ng 10% pababa ng kani-kanilang foreign exchange reserve at ang pondo na ipagkakaloob ng Brunei, Laos, Biyetnam, Kambodya at Myanmar ay hindi lalampas sa 5% ng kani-kanilang foreign exchange reserve, kabilang dito, magkakaloob ang Biyetnam ng 1 bilyong Dolyares at magkakaloob naman ang Kambodya ng 120 milyon.

Salin: Liu Kai