• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-11 16:19:32    
Budget deficit ng E.U., lumikha ng record high

CRI
Ayon sa estadistikang ipinalabas kahapon ng Kagawaran ng Pananalapi ng E.U., mula noong Oktubre ng nagdaang taon hanggang Marso ng taong ito, unang hati ng 2009 fiscal year, lumampas sa 950 bilyong Dolyares ang budget deficit ng pamahalaang Amerikano at ito ay doble kaysa kabuuang bolyum ng depisito noong isang fiscal year at naging record high sa kasaysayan.

Ipinakikita ng estadistika na noong panahong iyon, bumaba ng 13.6% ang fiscal revenue ng pamahalaang Amerikano, ngunit lumaki ng 33.4% ang gastos. Noong Marso lamang, umabot sa 190 bilyong Dolyres ang budget deficit na mas malaki kaysa pagtaya ng mga ekonomista.

Ayon sa pag-aanalisa, ang mabilis na paglaki ng budget deficit ng E.U., pangunahin na, dahil sa pagbaba ng kita ng buwis ng pamahalaan na dulot ng resesyon ng kabuhayan at paglaki ng gastos ng pamahalaan para sa pagbibigay-tulong sa pamilihan at pagpapasigla ng kabuhayan.

Salin: Liu Kai