• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-13 11:38:31    
PM ng Pakistan, nag-anyaya sa PML-N na bumalik sa gabinete

CRI

Opisyal na inanyayahan kahapon ni punong ministro Yousuf Raza Gilani ng Pakistan ang Muslim League Nawaz Sharif Group o PML-N na bumalik sa gabinete.

Nag-usap nang araw ring iyon sina Gillani at tagapangulo Shahbaz Sharif ng PML-N. Sinabi ni Gillani na para sa interes ng bansa, kailangang magtulungan ang Pakistan Peoples Party at PML-N. Sa kasalukuyan, handa na ang mga paunang kondisyon para sa pagbalik ng PML-N sa gabinete.

Sa pag-uusap, tinalakay ng 2 panig ang pangkalahatang kalagayang pulitikal ng Pakistan, banta sa seguridad mula sa loob at labas ng bansa at iba pang isyu. Ipinahayag ng 2 panig na dapat magkaroon ng komong paninindigan ang lahat ng mga partido ng Pakistan para ang parliamento ay maging pinakamahalagang organo sa pagtatakda ng patakaran at sa gayo'y mahaharap ang lahat ng mga hamon.

Salin: Jason