• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-14 09:49:22    
UNSC: pinagtibay ang pahayag ng tagapangulo hinggil sa paglulunsad ng H.Korea

CRI

Pinagtibay kahapon ng UN Security Council o UNSC ang pahayag ng tagapangulo hinggil sa paglulunsad ng Hilagang Korea.

Anang pahayag, ang paglulunsad na isinagawa ng H. Korea noong ika-5 ng buwang ito ay lumalabag sa resolusyon bilang 1718 ng UNSC. Nagpahayag ang UNSC ng pagkondena dito at humiling sa H.Korea na hindi pang isasagawa ang ganitong aksyon.?

Anito pa, kumakatig at nanawagan ang UNSC sa pagpapanumbalik ng Six-Party Talks sa lalong madaling panahon at humimok sa 6 na panig na komprehensibong ipatupad ang magkasanib na pahayag na narating noong ika-19 ng Setyembre ng 2005 at komong palagay na narating pagkatapos nito para maigarantiya ang kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula at Hilagang Silangang Asya. Nanawagan din ang UNSC na lutasin ang kasalukuyang isyu sa mapayapang at diplomatikong tsanel.

Nang araw ring iyon, nagpahayag ng pagtanggap si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, sa pagpapatibay ng naturang pahayag. Ipinahayag niyang ipinalabas nito ang magkakaisang mensahe ng komunidad ng daigdig hinggil sa paglulunsad ng H.Korea at umaasa siyang magbibigay-daan ito para sa mapayapang paglutas ng mga namumukod na isyu sa Korean Peninsula.

Ipinahayag naman ni Zhang Yesui, pirmihang kinatawan ng Tsina sa UN, na maingat at angkop ang reaksyon ng UNSC sa paglulunsad ng H.Korea. Anya, palagiang ipinalalagay ng Tsina na dapat magkonsentra ang UNSC sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula at Hilagang Silangangg Asya, proseso ng Six-Party Talks at walang nuklear na Korean Peninsula at pandaigdigang sistema ng pagpigil sa pagpapalaganap ng nuklear.