• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-04-14 10:08:58    
Tropang Thai, idinispersa ang mga demonstrador

CRI

Sinimulang idispersa kahapon ng madaling araw ng tropang Thai ang mga demonstrador na kontra-gobyerno sa ilang lugar ng Bangkok upang maghawan ng mga landas na sinasarhan ng mga demonstrador. Sa proseso nito, nagsagupaan ang mga sundalo at demonstrador na nagdulot ng kasuwalti ng tao.

Nang araw ring iyon, dalawang beses na nagtalumpati sa telebisyon si punong ministro Abhisit Vejjajiva ng Thailand. Inulit niyang isasagawa ng pamahalaan ang lehitimo at malakas na hakbangin para mapatatag ang kalagayan sa darating na 3 hanggang 4 na araw at nanawagan din siya sa mga demonstrador na bumalik sa bahay.

Ngunit, nanawagan naman ang partidong oposisyong Thai na magdaos ng pangkagipitang pulong ng parliamento para malutas ang hidwaang pulitikal.