• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-08-16 18:35:21    
Fatah, nahalal ang bagong lupong rebolusyonaryo

CRI
Ipinatalastas kahapon sa Bethlehem ni Mahmoud Abbas, lider ng Palestine National Liberation Movement o Fatah at pangulo ng Palestinian Authority, na nahalal na ang bagong lupong rebolusyonaryo ng Fatah.

Sa preskon nang araw ring iyon, ipinalabas ng organong elektoral ng Fatah ang listahan ng naturang lupon na nahalal sa ika-6 na kongreso ng Fatah. Sa lahat ng 81 miyembro ng lupong ito, ang karamihan ay mula sa batang henerasyon ng Fatah na kinabibilangan ng 11 babae.

Idinaos mula ika-4 hanggang ika-13 ng buwang ito sa Bethlehem ang ika-6 na kongreso ng Fatah kung saan nahalal ang bagong lupong sentral at lupong rebolusyonaryo. 2500 kinatawan ang lumahok sa pagboto.

Ang lupong rebolusyonaryo na may 120 miyembro ay pinakamataas na organo ng kapangyarihan ng Fatah pagkaraang ipinid ang kongreso. Ang mga miyembro ng lupong sentral, pinakamataas na pamunuan ng Fatah, ay galing sa lupong rebolusyonaryo.

Salin:Sarah