Ipinatalastas kahapon ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Britanya na namatay ang isang sundalong Britaniko na nasugatan sa pang-aatake sa Afghanistan noong ika-13 ng buwang ito at sa gayo'y ang bilang ng mga namatay na sundalong Britaniko sa Afghanistan ay umabot sa 200.
Ayon sa estadistika, noong isang buwan, napatay ang 22 sundalo ng tropang Britaniko sa Afghanistan at ito ay pinakamalaking pagkamatay ng tropang ito sa loob ng isang buwan sapul nang sumiklab ang digmaan ng Afghanistan. Pagpasok ng buwang ito, napatay na naman ang 9 na sundalong Britaniko sa Afghanistan.
Sa kasalukuyan, halos 8300 sundalong Britaniko ang nakakatalaga sa Afghanistan, at karamihan sa kanila ay sa Lalawigan ng Helmand sa timog Afghanistan kung saan madalas ang aktibidad ng Taliban.
Salin:Sarah
|