• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-08-16 18:38:50    
Lider ng Myanmar, nakipagtagpo sa senador ng E.U.

CRI
Ayon sa ulat kahapon ng pambansang radyo istasyon ng Myanmar, nakipagtagpo nang araw ring iyon sa Naypyitaw, kabisera ng Myanmar, si Than Shwe, tagapangulo ng Pambansang Konsehe sa Kapayapaan at Kaunlaran ng Myanmar, kay Jim Webb, senador ng E.U..

Hindi isiniwalat sa ulat ang detalya ng naturang pagtatagpo. Si Webb ay kasalukuyang tagapangulo ng grupo sa mga suliranin ng Silangang Asya at Pasipiko ng lupon sa relasyong diplomatiko ng senado ng E.U. at siya ay kauna-unahang senador ng E.U. na dumadalaw sa Myanmar nitong 10 taong nakalipas.

Bukod dito, nagpalabas kahapon ng pahayag ang tanggapan ni Webb na nagsasabing palalayain si John William Yettaw, isang Amerikano na nahatulang may-sala ng hukuman ng Myanmar dahil sa pagpasok nang walang pahintulutan sa tahanan ni Aung San Suu Kyi, lider ng oposisyon ng Myanmar na nasa house arrest. Bukod dito, nakipagtagpo kahapon sa Yangon si Webb kay Aung San Suu Kyi.

Salin:Sarah