• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2009-08-16 18:41:03    
Pagsasanay-militar ng T.Korea at E.U., sisimulan sa kabila ng kondenasyon ng H.Korea

CRI
Mula bukas hanggang ika-27 ng buwang ito, idaraos ng Timog Korea at E.U. ang magkasanib na pagsasanay militar sa T.Korea at kinondena ito ngayong araw ng Hilagang Korea.

Sa naturang pagsasanay militar, sasanayin sa kauna-unahang pagkakataon ang burador ng bagong plano ng magkasamang aksyon na itinakda ng T.Korea at E.U. para sa paglilipat ng karapatan sa pamamahala sa digmaan sa taong 2012. Lalahok sa pagsasanay na ito ang mahigit 56 na libong sundalo ng T.Korea at mahigit 10 libong sundalong Amerikano na nakakatalaga sa T.Korea at ibang bansa. Sinabi ngayong araw ng opisyal na militar ng T.Korea na ang layon ng pagsasanay militar na ito ay pagtugon sa panalakay sa T.Korea mula sa labas.

Ngunit, kinondena ngayong araw ng tanggapan ng People's Army ng H.Korea sa Panmunjom ang naturang pagsasanay ng T.Korea at E.U.. Anito, ito ay isang aksyon ng digmaang mapanalakay na gawing target ang H.Korea.

Salin:Sarah