Hinggil sa Serbisyo Filipino

Opisyal na sinimulan ang pagsasahimpapawid ng programang Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina noong ika-30 ng Oktubre,1965. Ang serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina ay siyang tanging serbisyo bukod sa mga nagmumula sa Pilipinas na nagsasahimpapawid sa Wikang Filipino sa daigdig.

Ang programa ng Serbisyo Filipino ay binubuo ng dalawang bahagi. Ang unang 15 minuto ay ang mga balita at komentaryo at ikalawang 15 minuto ay ang mga espesyal na paksang kinabibilangan ng Kulturang Tsino, Paglalakbay sa Tsina, Kaalaman sa Tsina, Pambansang Minorya, Usap-usapang Ekonomiko, Matang Banyaga, Pag-aaral ng Wikang Tsino, Letterbox at Programang musikal.

Ang mga programa ng Serbisyo Filipino ay lubos na kinagigiliwan ng mga tagapakinig na walang sawang nagpapadala ng maraming liham taun-taon. Taos pusong nagpapasalamat ang Serbisyo Filipino sa pagkatig ng mga tagapakinig at umaasa itong makakatanggap ng mas marami pang liham para mapabuti pa ang mga programa nito.

Address:Filipino Service, China Radio International

16A ShiJingShan Road

Beijing China

Post code:100040

Tel: (8610) 68892540/68892539

Fax: (8610)68891364

E-mail address:fil@cri.com.cn

404 Not Found

404 Not Found


nginx
Please select the login method