14℃
Beijing

Quick Chinese-style Vermicelli

2019-05-29 16:24:13  CRI
Share with:

Quick Chinese-style Vermicelli

Mga Sangkap

200 grams ng vermicelli

2 kutsara ng cooking oil

1 butil ng bawang

1 kutsara ng soy sauce

½ kutsara ng chili sauce

Asin

Paminta

1 green onion, ginayat nang pino

Paraan ng Pagluluto

Sa isang kaserola, pakuluan ang vermicelli sa loob ng 2-3 minutes. Huwag hahayaang ma-overcook para hindi maging malabsak. Pagkatapos niyan, patuluin.

Initin ang mantika sa kawali at sa mahinang apoy, igisa ang bawang hanggang magkulay brown. Idagdag ang vermicelli tapos timplahan ng soy sauce, chili sauce, asin at paminta. Budburan ang ibabaw ng tinadtad na green onion at ihain.

Salin:荔逢
标签:cooking show

Koment( Komento)

Please select the login method