14℃
Beijing

Shredded Pork with Garlic Sprouts

2019-06-13 15:41:35  CRI
Share with:

图片默认标题_fororder_20190613rousi390

Mga Sangkap:

300-350 grams ng lean pork

150-200 grams ng garlic sprouts

1 maliit na carrot

1 itlog

Asin, pamintang durog, soy sauce, cooking wine at cornstarch (ayon sa pangangailangan at panlasa)

Green onion, hiniwa nang manipis at pahaba

Luya, hiniwa nang manipis at pahaba

 

Preparasyon:

Hugasan ang lean pork tapos hiwain muna nang makakapal bago i-shred o hiwain

nang manipis at pahaba ang makakapal na piraso. Ilagay sa isang plato pagkatapos.

Talupan ang mga tangkay ng garlic sprouts at gayatin sa mga pirasong may habang 2-3 centimeters.

Hugasan at ilagay sa isang hiwalay na plato. Hugasan at talupan ang carrot. Gayatin nang manipis at pahaba at ilagay sa isang hiwalay ding plato.

Ibabad ang lean pork sa pinaghaluhalong asin, cooking wine, soy sauce, puti ng itlog at cornstarch sa loob ng 10-15 minutes.

 

Paraan ng Pagluluto:

Ibabad ang lean pork sa pinaghaluhalong asin, cooking wine, soy sauce, puti ng itlog at cornstarch sa loob ng 10-15 minutes.

Lagyan ng cooking oil ang kawali. Ikalat ang mantika hanggang sa gilid. Pag mainit na ang mantika, igisa ang shredded pork hanggang maging pale yellow ang kulay.

Hanguin, patuluin at itabi muna.

Dagdagan ang natitirang mantika sa kawali. Igisa ang green onion at luya sa loob ng 10 seconds hanggang lumutang ang bango. Idagdag ang carrot strips at garlic sprouts at ituloy pa ang paggisa sa loob ng mga 30 seconds. Lagyan ng asin at paminta at haluin pa nang mga 10 seconds. Idagdag ang stir-fried lean pork at haluing mabuti. Patayin ang apoy at ilipat ang laman ng kawali sa serving dish.

Salin:荔逢
标签:cooking show

Koment( Komento)

Please select the login method