Iran, inilista ang tropang Amerikano bilang teroristikong organisasyon; Tsina, nanawagan sa mga kaukulang panig na magtimpi

Share with:

Kaugnay ng paglilista ng parliamentong Iranyo sa tropang Amerikano bilang teroristikong organisasyon, ipinahayag sa Beijing nitong Martes, Enero 7, 2020 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nananawagan ang panig Tsino sa mga kaukulang panig na magtimpi para maiwasan ang paglala ng situwasyon.

Ani Geng, ang ibayo pang paglala ng situwasyon sa rehiyong Gulpo ay hindi angkop sa kapakanan ng anumang panig. Ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito ay napakahalaga para sa buong mundo, dagdag niya.

Salin: Li Feng

Please select the login method