Pagsusuri sa legal text ng kasunduan sa RCEP, maalwang sumusulong

2020-10-15 18:12:06  CMG
Share with:

Sa ministeryal na pulong sa pamamagitan ng video ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na idinaos kahapon, Miyerkules, ika-14 ng Oktubre 2020, ipinahayag ng mga kalahok mula sa iba’t ibang panig ang positibong pagtasa sa pagsusuri sa legal text ng kasunduan sa RCEP.

 

Dahil sa maalwang pagsulong ng prosesong ito, ipinahayag nilang posibleng malagdaan ang kasunduang ito bago ang katapusan ng 2020.

 

Anila pa, ang RCEP ay makakabuti sa rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan, paglaki ng kalakalan at pamumuhunan ng iba’t ibang kalahok na bansa, at pagbangon ng kabuhayan pagkaraan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method