Perya ng kalakalan ng mga produktong agrikultural ng Tsina at Aprika, matagumpay na ginanap sa online platform

2020-10-28 16:56:19  CMG
Share with:

Matagumpay na itinaguyod nitong Martes, Oktubre 27, 2020 ng Industrial and Commercial Bank of China (ICBC), Standard Bank Group Ltd. ng Aprika at Hunan Gaoqiao Grand Market Co., Ltd. ang perya ng kalakalan ng mga produktong agrikultural ng Tsina at Aprika, sa pamamagitan ng online platform.
 

Sumali rito ang halos 40 bahay-kalakal, at narating ang mahigit 40 intensyon ng kooperasyon sa transaksyon ng kape, kakaw, nuwes, sesame at iba pang produktong agrikultural.
 

Salin: Vera

Please select the login method