Posibilidad ng pagkalat ng COVID-19 sa Xinjiang, naalis sa kabuuan

2020-10-29 16:05:55  CMG
Share with:

Ayon sa impormasyong ipinalabas ng Komisyong Pangkalusugan ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina nitong Miyerkules, Oktubre 28, 2020, 23 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa nasabing lugar, na kinabibilangan ng mga mula sa Xinjiang Production and Construction Corps (XPCC), at lahat sa kanila ay mga asimtomatikong kaso.
 

Ayon pa rito, hanggang magha-hating gabi ng Oktubre 29, 45 ang kabuuang bilang ng mga umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Xinjiang, samantalang 138 naman ay asimtomatikong kaso.
 

Sa kasalukuyan, naalis na sa kabuuan ang posiblidad ng pagkalat ng epidemiya sa Xinjiang.
 

Salin: Vera

Please select the login method