BRI, nagkakaloob ng pagkakataon para sa pag-unlad ng buong daigdig - eksperto ng Rusya

2020-11-09 17:14:18  CMG
Share with:

 

 

Ang Belt and Road Initiative (BRI) na iniharap ng Tsina ay naging pinakamalaking plataporma ng pandaigdigang kooperasyon na nagkakaloob ng pagkakataon ng pag-unlad, partikular na, para sa mga miyembro ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).

 

Hinggil dito, ipinahayag kamakailan ng eksperto Ruso, na sa paanyaya ni Pangulong Viladmir Putin ng Rusya, lalahok si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-20 Pulong ng Konseho ng mga lider ng SCO na idaraos Nobyembre 10, 2020, sa pamamagitan ng video link sa Beijing.

Bilang tagapangulong bansa, pangungunahan ng Rusya ang pulong na ito.

 

Ipinahayag ni Yuri Tavrovsky, Puno ng Konseho ng Komite ng Pagkakaibigan, Kapayapaan at Pag-unlad ng Tsina at Rusya, na pinatitingkad ng BRI ang napakahalagang papel sa harap ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at kahirapan ng kabuhayang pandaigdig.

 

Ipinagkaloob aniya ng Tsina at BRI ang pag-asa sa mahirap na kalagayan ng buong mundo.

 

Sinabi naman ni Alexander Lomanov, Pangalawang Direktor ng Institute of World Economy and International Relations of the Russian Academy of Sciences, na ang BRI ay positibo at may ipinangangakong proyekto.

 

Kapansin-pansin ang papel ng Tsina bilang puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig at panrehiyon, sabi ni Lomanov.

 

Salin:Sarah

 

 

Please select the login method