Xi Jinping, nagpadala ng liham na pambati sa Porum sa Siyensiya, Teknolohiya at Inobasyon ng BFA

2020-11-10 15:28:24  CMG
Share with:

Martes, Nobyembre 10, 2020, nagpadala ng liham na pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Unang Conference of the International Science, Technology and Innovation Forum (ISTIF) ng Boao Forum for Asia (BFA).
 

Diin ni Xi, dapat ihatid ng siyensiya’t teknolohiya ang biyaya sa buong sangkatauhan. Sa kasalukuyan, nahaharap ang buong mundo sa iba’t ibang hamong gaya ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba’t ibang bansa, na palakasin ang inobasyon at kooperasyong pansiyensiya’t panteknolohiya, at pasulungin ang mas bukas, inklusibo, at may mutuwal na kapakinabangan at pinagbabahaginang pagpapalitan sa siyensiya, teknolohiya at inobasyon. Samantalang gawin ang ambag para sa pagpapasulong sa resesyon ng kabuhayang pandaigdig at paggarantiya sa kalusugan ng mga mamamayan.
 

Salin: Vera

Please select the login method