14℃
Beijing

Premyer ng Tsina, lalahok sa mga pulong ng mga lider ng Silangang Asya

2020-11-11 17:04:45  CMG
Share with:

 

 

Sa paanyaya ni Nguyen Xuan Phuc, Punong Ministro ng Biyetnam, dadalo si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa virtual meeting ng mga lider hinggil sa kooperasyon ng Silangang Asya na idaraos sa Nobyembre 12 hanggang Nobyembre 15, 2020.

 

Ang Biyetnam ay tagapangulong bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

Hinggil dito, tinukoy Nobyembre 10, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, bagamat lumitaw ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa taong ito, lumaki pa rin ang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng Tsina at ASEAN, kaya naman ang ASEAN ang naging pinakamalaking trade partner ng Tsina.

 

Aniya, dahil dito, naging mas malalim ang relasyon ng Tsina at mga bansa sa rehiyong ito, mas mahigpit ang pag-uugnayan ng dalawang panig, at mas maliwanag ang kanilang kinabukasan.

 

Inaasahan aniya ng Tsina na lalo pang patitibayin ang sentral na katayuan ng ASEAN, patuloy na bibigyang-pokus ang Silangang Asya at rehiyong Asya-Pasipiko, at maayos na hahawakan ang mga sensitibong isyu sa pamamagitan ng diyalogo, para lumikha ng mainam na kapaligiran para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito.

 

Salin:Sarah

Koment( Komento)

Please select the login method