Bunga ng pagdalo ni Pangulong Xi sa tatlong multilateral na summit, isinalaysay ni Wang Yi

2020-11-23 11:20:11  CMG
Share with:

Mula noong Nobyembre 17 hanggang 22, 2020, magkakasunod na dumalo at bumigkas ng serye ng mahalagang talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-12 Pagtatagpo ng mga Bansang BRICS, Ika-27 Di-pormal na Pulong ng APEC, at Ika-15 G20 Summit.

 

Hinggil sa mga ito, isinalaysay sa isang panayam ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mga natamong bunga ng pagdalo ni Pangulong Xi.

 

Ani Wang, komprehensibong inilahad ni Xi ang nilalaman ng bagong kayariang pangkaunlaran ng Tsina, at inilabas ang malinaw na signal sa pagpapasulong ng sariling de-kalidad na pag-unlad, at walang humpay na pagpapalawak ng pagbubukas sa labas ng Tsina.

 

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Please select the login method