14℃
Beijing

Paghahanda para sa Beijing 2022 Olympic at Paralympic Winter Games, komprehensibong sumusulong

2020-11-24 14:27:05  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, ginanap kamakailan ang pulong ng pagsusuri sa mga proyekto ng Beijing 2022 Olympic at Paralympic Winter Games.

Nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kaukulang namamahalang tauhan ng Beijing 2022 Organizing Committee at mga dalubhasa ng International Olympic Committee (IOC) at International Paralympic Committee (IPC), hinggil sa mga paksang gaya ng transportasyon, pagkain at inumin, pamilihan, promosyon, Olympic Village, Paralympic Winter Games at iba pa.

Isinalaysay ni Zhang Jiandong, Beijing 2022 Executive Vice-President, na sa kasalukuyan, komprehensibong sumusulong ang iba’t ibang gawaing preparatoryo. Aniya, sa harap ng bagong kalagayan at hamon, patuloy na makikipagkooperasyon ang kanyang komite sa IOC at IPC, upang pabutihin ang mga gawain ng pagpigil at pandemiya at paghahanda para sa Winter Olympic at Paralympic Games.

Salin: Vera

Koment( Komento)

Please select the login method